Ang Hiwaga ng Pilipinas

Palaisipan ang bawat bagay na natutuklasan, isang misteryong naghihintay na mabuksan. Ang mga paraan ng pagtuklas ng kaalaman, mapasapagsulat man ng ginintuang kasaysayan.

Tila isang dagok ang pilit na bumalot, sa mga pangarap at mithiing naudlot. Ang mga yamang nilikha ng dating naglingkod, sa lupang biyaya ng panginoong diyos .

Panahon man ang balakid sa tunay na pangyayari, kamatayan man ang hadlang sa ating pagpaparami, Nasakop man tayo minsan ng mga banyagang ganid, naipaglaban naman tayo ng mga dakilang bayani.

Ang mga orihinal na titik man ay sadyang binura, sinunog sa papel, sa puno’t sa pader, Malinaw na nakaukit sa mga bato, sa isip at puso ni ina ang hugis at lalim ng linyang pumilat sa hangin ng lupang nahirang.

Hangga’t ang liwanag ng araw ay nariyan, ang kasagutan sa hiwaga ng ating pinanggalingan ay nakakubli sa mga ulap at katubigan. Ang dugo’t laman ng ating katawan ang siyang nagpapa-alam na kailan man, ang pagiging pilipino ay walang kamatayan.

Unknown's avatar

Published by: Ali™

¡OOLAA! Queridos amigos, yo soy Alí. Vengo de las islas filipinas y yo soy sagitario 🏹 . Empecé a crear este blog informativa de viajes para todas las personas maravillosas de la madre tierra. Me apasiona aprender diferentes culturas e idiomas. Me gusta hacer amigos que comparten el mismo entusiasmo y curiosidad para descubrir más sobre el significado de la vida a través de viajes y experiencias.

Categories Hugot, Philippines, Pilipino, Tagalog, TulaLeave a comment

Leave a comment